(From the Sermon entitled, “Ang Bagong Langit at Bagong Lupa na Tinatahanan ng Katuwiran,” for dates March 5 and 8, 2015)
![world2]()
It is without question that many people nowadays lack understanding of the will of God. People did not have time to study the Holy Scriptures because they don’t find it interesting and helpful in their lives. No wonder, they do not know the plans of the Lord.
An example of this is our topic about the new heaven and the new earth. What does the Bible tells us about the new heaven and the new earth? The Bible tells us, “But in keeping with his promise we are looking forward to a new heaven and a new earth, where righteousness dwells.” (2 Peter 3:13)
One of the most sought promises of God to all faithful is the new heaven and the new earth. But, when will this happen or come? What does the Bible tells us about this new heaven and new earth?
The Bible reveals, “as you look forward to the day of God and speed its coming. That day will bring about the destruction of the heavens by fire, and the elements will melt in the heat.” (2 Peter 3:12) Apostle Peter tells us that on the day of God, the heavens and the earth we see today will no longer exist. It will be destroyed by fire and be melted. Why will it be melted? What is the plan of God about the earth? Or to the heavens that we see now?
Apostle Peter further explains that the heavens and the earth we see now is reserved unto fire. God will destroy all the wickedness of this earth and that includes not only the people, but as well as the heavens and the earth that we see today. In fact, Peter says, “By these waters also the world of that time was deluged and destroyed. By the same word the present heavens and earth are reserved for fire, being kept for the Day of Judgment and destruction of the ungodly.” (2 Peter 3:6-7)
Why is this going to happen? Is this what He originally planned when He created earth and all of the other creations? The truth is, this is not what God really wanted to happen. The original plan of God for men is to let them live eternally in the Garden of Eden.
However, when sin entered because of the devil’s deceits, death came to men. The effect of sin to mankind is death (Romans 6:23). Therefore, the eternal life, which was originally given to mankind, was taken away from mankind because mankind has committed sin against God. Death (physical) came to men.
Not only this happened to mankind when it committed sin against God, the pure thoughts of mankind slowly became corrupted and wicked. The deceits of the devil slowly took over the minds and hearts of many people. Darkness covered the brightness of this world. People were lost and turned away from God’s will and commands. They followed the desires of their own hearts and did not accept God’s rebukes. They followed the teachings of the devil, which led them astray.
We should not really wonder why these things are happening now with many people. From the start, people have evaded the truth and they walk on the path of their own righteousness, away from the righteousness of God. Since the path that they are trying to walk on is wrong, we should not expect that it’s going to become right and will make reparations for their lives. What people think is not always right. Usually it will lead them to destructions and death. The Bible clearly says, “There is a way that appears to be right, but in the end it leads to death.” (Proverbs 16:25)
The world’s poverty and chaos that we experience and see are nothing but a simple effect of the mistakes of the earlier people. And these mistakes are what people nowadays are continuously walking into. The world is heading to its destructions (Matthew 24:3-8, 21-22).
Even if people seek peace and progress towards prosperity, unfortunately, the present world has no hope and chance at all. The world was given to the hands of the wicked, ultimately, it is now waiting for destructions.
People might think that we are being too harsh about the current earth’s conditions. The hopelessness is not an invention coming from us. The earth and everything on it will pass away, but the words of God will not. We are just telling the ultimate truth and people might hope for a better world, but it will not come.
People might seek peace; chaos and destructions will continue to come. The Bible tells us, “‘Peace, peace,’ they say,
when there is no peace.” (Jeremiah 6:14) Apostle Paul also tells us, “While people are saying, “Peace and safety,” destruction will come on them suddenly, as labor pains on a pregnant woman, and they will not escape.” (1 Thessalonians 5:3)
Examine the present condition of life today. According to Apostle Paul, in the end times people will be lovers of their own selves, money and will become disobedient to their parents. They lost time to examine the will of God, and so we should not wonder why the world has become dangerous (2 Timothy 3:1-5)
If we ask the Bible, is there a hope for this present world? The Bible answers this negatively. The Decision of God is final. It is waiting to be executed. The end of the life on earth is very near. The Bible tells us, “The Lord, the Lord Almighty, will carry out the destruction decreed upon the whole land.” (Isaiah 10:23)
Our God is a jealous God, and He will bring destruction to earth because people made Him jealous, “Therefore wait for me,” declares the Lord, “for the day I will stand up to testify. I have decided to assemble the nations, to gather the kingdoms and to pour out my wrath on them— all my fierce anger. The whole world will be consumed by the fire of my jealous anger.” (Zephaniah 4:8)
How will God bring His anger to earth?
The earth and the heavens that we see now will be gone soon. The fire will consume everything on earth. All will be melted and waisted. The Bible tells us, “But the day of the Lord will come like a thief. The heavens will disappear with a roar; the elements will be destroyed by fire, and the earth and everything done in it will be laid bare.” (2 Peter 3:10)
What should we do now to escape God’s wrath here on earth?
The Bible’s answer to this is simple. We should not conform to this world. Our thoughts and actions should be different from what the world is doing today (Romans 12:2). We should avoid things that will make God jealous and angry, and let us do what He desires for us to do, to be holy and perfect in His sight.
The prophesy of the Bible is clear, the wicked will continue to be wicked, and the holy will continue to be holy. We should choose what is best for us. Let us choose what can give us victory and triumph over the wickedness of this current world. The Bible tells us, “Then he told me, “Do not seal up the words of the prophecy of this scroll, because the time is near. Let the one who does wrong continue to do wrong; let the vile person continue to be vile; let the one who does right continue to do right; and let the holy person continue to be holy.” (Revelations 22:10-12)
If the earth today is just waiting for its destructions, faithful are waiting for God’s promise. The reward will be given to those who believe and overcome everything when He comes back. However, the wrath of His punishment will also be given to those who did not recognize and did not follow His will.
Faithful do not hope for what they see. They know that things that are seen will eventually end. Things that are unseen are eternal. Faithful hope for things that are unseen and eternal. What we wait and hope for now is the promise of the Lord, “But in keeping with his promise we are looking forward to a new heaven and a new earth, where righteousness dwells.” (2 Peter 3:13)
When Christ comes, He will take all His followers and believers with Him in heaven and will be rewarded with everlasting life. Those who are dead will be resurrected to receive the eternal life. The Bible tells us, “According to the Lord’s word, we tell you that we who are still alive, who are left until the coming of the Lord, will certainly not precede those who have fallen asleep. For the Lord himself will come down from heaven, with a loud command, with the voice of the archangel and with the trumpet call of God, and the dead in Christ will rise first. After that, we who are still alive and are left will be caught up together with them in the clouds to meet the Lord in the air. And so we will be with the Lord forever.” (1 Thessalonians 4:15-17)
The Bible describes how the faithful will experience the new heaven and the new earth, all designed especially for them. The book of the Revelations reveals, “Then I saw “a new heaven and a new earth,” for the first heaven and the first earth had passed away, and there was no longer any sea. I saw the Holy City, the new Jerusalem, coming down out of heaven from God, prepared as a bride beautifully dressed for her husband. And I heard a loud voice from the throne saying, “Look! God’s dwelling place is now among the people, and he will dwell with them. They will be his people, and God himself will be with them and be their God. ‘He will wipe every tear from their eyes. There will be no more death’ or mourning or crying or pain, for the old order of things has passed away.” He who was seated on the throne said, “I am making everything new!” Then he said, “Write this down, for these words are trustworthy and true.” (Revelations 21:1-5)
Let us remember that being holy and being sanctified are a very important task that we should fulfill presently. The future of our souls depends on how we seek to be righteous today. Also, remember that no abominations shall enter the kingdom of heaven (Revelations 21:27), therefore doing good and holy deeds are indeed very important.
The Bible emphasizes, “Or do you not know that wrongdoers will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived: Neither the sexually immoral nor idolaters nor adulterers nor men who have sex with men nor thieves nor the greedy nor drunkards nor slanderers nor swindlers will inherit the kingdom of God.” (1 Corinthians 6:9-10)
We should try to follow Paul’s advise, “Put to death, therefore, whatever belongs to your earthly nature: sexual immorality, impurity, lust, evil desires and greed, which is idolatry.” (Colossians 3:5)
Putting to death all earthly nature means avoiding and throwing it all away from our lives. We should be training ourselves to holiness to be able to become triumphant. Apostle Paul says, “Have nothing to do with godless myths and old wives’ tales; rather, train yourself to be godly. For physical training is of some value, but godliness has value for all things, holding promise for both the present life and the life to come.” (1 Timothy 4:7-8)
(Filipino Translations)
Maraming mga tao ang kaunti lamang ang kaalaman pagdating sa mga bagay na magaganap sa hinaharap. Hindi naman ito nakapagtataka sapagkat marami walang panahon pagdating sa mga kalooban ng Dios. Ang mga tao ay hindi naging interesado sa mga bagay na nakasulat sa Biblia, na siyang naging dahilang upang hindi nila maunawaan ang mga plano ng Dios.
![earth fire]()
Gaya halimbawa ng tinutukoy natin sa araling ito, ang Biblia ay may binabanggit na bagong langit at bagong lupa. Ano nga ba ang kahulugan ng mga ito? Bakit may bagong langit at may bagong lupa? Ano ang dapat nating maunawaan at maintindihan tungkol dito?
Sinabi ng Biblia, “Nguni’t, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran.” (2 Pedro 3:13) Samakatuwid, isa sa mga hinihintay ng mga lingkod ng Dios ang bagong langit at ang bagong lupa bilang katuparan ng pangako ng ating dakilang Dios. Kailan at paano magaganap ito?
Sinabi ng Biblia, “Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios, na dahil dito’y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init.” (2 Pedro 3:12) Pagdating ng kaarawan ng Panginoong Dios, ang langit at lupa na nakikita natin ngayon ay hindi na natin makikita pang muli, sapagkat ito ay magniningas at mapupugnaw sa matinding init. Bakit kailangang ito ay mapugnaw sa matinding init? Ano ang nakatalagang maganap sa sanlibutang ito? Sa langit at lupa na nakikita natin sa kasalukuyan?
Ang langit at lupa na nakikita natin ngayon ay nakalaan sa apoy sa araw ng paghuhukom at paglipol ng Dios sa mga taong masasama. Katunayan sinabi ng Biblia, “Na sa pamamagitan din nito ang sanglibutan noon, na inapawan ng tubig, ay napahamak: Nguni’t ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.” (3 Pedro 3:6-7)
Bakit kailangang humantong sa ganitong kalagayan? Ito ba ang sadyang kalooban ng Dios nang Kaniyang pasimulang lalangin ang tao sa ibabaw ng sanlibutang ito? Sa katunayan, hindi ito ang orihinal na plano ng Dios nang likhain Niya ang tao. Ang tao ay nakatakda sanang mabuhay nang walang hanggan sa paraiso ng Eden na pinaglagyan sa kanila.
Subalit, nang pumasok ang kasalanan dahilan sa pandaraya ng Diablo, nagkaroon ng kamatayan ang tao. Ang naging kabayaran ng kanilang pagkakasala ay ang kamatayan (Roma 6:23). Samakatuwid, ang dapat sanang walang hanggang buhay na tinatamasa ng tao sa hardin ng Eden ay naglaho mula nang sila ay magkasala sa ating Panginoong Dios. Nagkaroon ng hangganan ang buhay ng tao sa pagkakaroon ng pisikal na kamatayan.
Hindi lamang ito ang idinulot ng pagkakasala ng tao. Ang malinis na pagiisip ng tao ay unti-unting napalitan ng kasamaan. Ang panunukso ng Diablo ay nagawang makapagtagumpay sa tao. Natakpan ng kadiliman ang liwanag na bumabalot sa sanlibutan. Ang mga tao ay tunay na naligaw sa palatuntunan ng Dios. Kanilang tinalima ang kanilang sariling katuwiran at tinaggihan ang mga aral at katotohanan ng Dios. Kanilang tinalima ang mga aral ng Diablo na nagligaw sa kanilang mga puso papalayo sa mga tunay na kalooban ng Dios.
Kaya’t hindi nakapagtataka kung bakit ganito ang naging likas na ugali ng mga tao sa sanlibutan. Umpisa pa lamang ay mali na ang landas na kanilang tinatahak at ito ay papalayo sa Dios. At dahil mali na sa pasimula pa lamang, huwag tayong umasa na magiging tumpak ito at magdudulot sa tao ng maayos na pamumuhay. Ang inaakala ng taong matuwid ay hindi tunay na matuwid, manapa, ito ang maghahatid sa kanila sa kapahamakan. Sinabi ng Biblia, “May daan na tila matuwid sa tao, nguni’t ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.” (Kawikaan 16:25)
Ang mga kahirapan at kaguluhang ating nararanasan at nakikita sa kasalukuyan ay epekto na lamang ng mga pagkakamaling nilakaran ng mga tao. At ang mga pagkakamaling ito ay patuloy na tinatahak ng marami sa ngayon. Patungo sa tiyak na kapahamakan ang sanlibutang ito. (Mateo 24: 3-8, 21-22)
Bagaman sikapin ng marami na magkaroon ng kapayapaan, katiwasayan at pagunlad, nakalulungkot sabihin, subalit wala nang pag-asa ang kasalukuyang sanlibutang ito. Palibhasa’y naibigay na sa masama ang sanlibutang ito, naghihintay na lamang ang tuluyan nitong pagkawasak.
Maaaring sabihin ng ilan na masyado naman tayong malupit sa pagsasalita tungkol sa kalagayan ng sanlibutang ito. Subalit, hindi sa atin nagmula ang kawalan ng pagasang ito. Ang sanlibutang ito ay lilipas at ang lahat ng mga bagay na naririto, ngunit ang mga salita ng Dios ay hindi kailanman lilipas.
Kahit sikapin ng tao na magtamo ng kapayapaan sa lupa, kaguluhan pa din ang makikita nito. Gaya nang pahayag, “na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma’y walang kapayapaan.” (Jeremias 6:14) Ganito din ang pahayag ni Apostol Pablo, “Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo’y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang- tao; at sila’y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.” (1 Tesalonica 5:3)
Dagdag pa dito ang hula ni Pablo tungkol sa naging kaasalan ng maraming tao. Sila ay naging maibigin sa kanilang sarili, sa salapi at naging masuwayin sa kanilang mga magulang. Nawalan ang tao ng panahon upang siyasatin ang kalooban ng Dios kung kaya’t hindi dapat pagtakhan kung bakit ang sanlibutang ito ay naging mapanganib (2 Timoteo 3:1-5).
Kung tatanungin natin ang Biblia, may pagasa pa ba ang kasalukuyang sanlibutan? Ang sagot ng Biblia, wala nang pagasa. Nakapagpasiya na ang Dios, darating ang kawakasan sa lupa gaya nang sinabi, “Sapagka’t ang kagibaan, at ang ipinasiya, gagawin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, sa gitna ng buong lupa.” (Isaias 10:23)
Ang Dios ay mapanibughuing Dios at Kaniyang ibubuhos ang malaking galit bunga ng Kaniyang paninibugho sa tao gaya nang sinabi, “Kaya’t hintayin ninyo ako, sabi ng Panginoon, hanggang sa kaarawan na ako’y bumangon sa panghuhuli; sapagka’t ang aking pasiya ay pisanin ang mga bansa, upang aking mapisan ang mga kaharian, upang maibuhos ko sa kanila ang aking kagalitan, sa makatuwid baga’y ang aking buong mabangis na galit; sapagka’t ang buong lupa ay sasakmalin, ng silakbo ng aking paninibugho.” (Zefanias 3:8)
Paano ipalalasap ng Dios ang malaking galit dito sa lupa?
Ang lupa at langit na ating nakikita ay hindi na natin muling makikita pa. Kaya’t ang apoy ang magbibigay ng kawakasan dito sa lupa. Sinabi ito ng Biblia, “Datapuwa’t darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.” (2 Pedro 3:10)
Ano ngayon ang dapat nating pagsikapan upang tayo ay malingid sa dakilang kagalitang ipalalasap ng Dios dito sa ibabaw ng sanlibutan?
Ang sagot ng Biblia ay simple lamang. Huwag tayong makiayon sa sanlibutang ito. Magiba tayo ng pagiisip upang makita ang malaking kaibahan natin sa takbo ng kaisipan at gawi ng maraming mga tao (Roma 12:2). Layuan natin ang mga bagay na tunay na ikinagagalit ng Dios at pagsikapan nating maging banal sa Kaniyang harapan, bagay na nakaligtaang gawin ng marami.
Ang hula ng Biblia ay maliwanag, marami ang magpapakasama pa at ang mga matuwid naman ay magpapakatuwid pa. Mamimili lamang tayo kung saan tayo lulugar. Sikapin nating doon tayo mapapabilang sa mga makapagtatagumpay. Gaya nang sinasabi, “Ang liko, ay magpakaliko pa:at ang marumi, ay magpakarumi pa:at ang matuwid, ay magpakatuwid pa:at ang banal, ay magpakabanal pa. Narito, ako’y madaling pumaparito; at ang aking ganting- pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa.” (Apocalipsis 22:10-12)
Kung ang sanlibutang ito ay naghihintay na lamang sa apoy na susupok sa kaniya, tayo namang mga lingkod ay naghihintay sa pangako ng ating dakilang Dios. Nakalaan ang gantimpala sa mga nagtapat sa Kaniyang muling pagbabalik. Nakalaan din ang parusa sa kanilang mga hindi kumilala at tumalima sa Kaniyang mga kalooban.
Hindi tayo umaasa sa sanlibutang ito na ating nakikita sa sanlibutan, sapagkat ito ay may kawakasan. Gaya nang sinabi ng Biblia, tayo ay umaasa sa mga bagay na hindi nakikita sapagkat yaong mga bagay na nakikita ay may hangganan ngunit yaong mga bagay na hindi nakikita ay magpakaylanman.
Ang ating hinihintay ay ang pangakong ipakikita sa atin ang bagong langit at bagong lupa, “Nguni’t, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran.” (2 Pedro 3:13)
Pagparito ng Panginoong Hesus, kukunin Niya ang Kaniyang mga lingkod at lahat ng mga nagtapat sa Kaniya ay muling mabubuhay na maguli upang Kaniyang kaunin. Gaya nang nakasaad, “Sapagka’t ito’y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog. Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios:at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin:at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:15-17)
Ganito inilarawan ng Biblia ang bagong langit at ang bagong lupa na siyang magiging palad ng Kaniyang mga lingkod. Sinabi ng Biblia, “At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka’t ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na. At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man:ang mga bagay nang una ay naparam na. At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: sapagka’t ang mga salitang ito ay tapat at tunay.” (Apocalipsis 21:1-5)
Tandaan lamang natin na mahalaga ang pagpapakabanal at pagpapakalinis na ating kasalukuyang pinagsisikapang gawin sa kasalukuyan. Dito nakadepende ang magiging kapalaran ng ating kaluluwa pagdating ng takdang panahon. Alalahanin nating walang anumang bagay na karumaldumal na papasok sa kaharian ng langit (Apocalipsis 21:27), kung kaya’t mahalaga ang paggawa ng kabanalan at pagsisikap na maging karapatdapat sa Kaniya.
Walang liko na magmamana ng kaharian ng Dios. Tanging mga matuwid lamang ang magiging karapatdapat. Kaya’t sinabi ng Biblia, “O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake. Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.” (1 Corinto 6:9-10)
Kaya’t patayin natin ang mga sangkap na maaaring makapigil sa atin sa ikasasakdal sa harap ng Dios (Colosas 3:5). Ang ibig sabihin ng patayin ay pagsikapang alisin sa ating likas na paguugali. Sanayin natin ang ating sarili sa paggawa ng kabanalan at katotohanan, kung magkagayon ay makapagtagumpay tayo gaya nang sinasabi, “Datapuwa’t itakuwil mo ang mga kathang masasama at walang kabuluhan. At magsanay ka sa kabanalan: Sapagka’t sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni’t ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, na may pangako sa buhay na ito, at sa darating.” (1 Timoteo 4:7-8)