(From the sermon entitled, “Ang Ipinapayo ng Biblia sa Nagsisigawa ng Mabuti” for April 23, 2015)
The words of God are likened to good seeds, which were sown in a field. Since it was sown in a good field, it resulted to produce good fruits. Jesus says, “But the seed on good soil stands for those with a noble and good heart, who hear the word, retain it, and by persevering produce a crop.” (Luke 8:15) God expects everyone to produce good deeds and this shows that we are indeed sown with His words.
God doesn’t expect fruits from those who do not recognize Him, from those who do not accept His words. Only those who hear His words are expected to produce fruit.
The Bible tells us that those who produce good fruits have pure hearts. The effect of God’s words in their hearts made them pure. Thus, in everything they do, they always seek good intentions. They always value the words of God like they value their lives.
They do not deviate from His words no matter what they experience in life and continue to do good deeds because they know God is truly looking for it.
Apostle Paul advises, “Therefore, as we have opportunity, let us do good to all people, especially to those who belong to the family of believers.” (Galatians 6:10) We need to take every opportunity to do good deeds as long as we can. This is God’s purpose for everyone, to do His will, to do good deeds, and this is why He had called us to be His servants unto His church (1 Corinthians 1:1-2), we are called to be holy. Doing good deeds, walking in His will is holiness in God’s eyes.
However, doing good deeds and walking unto His will has a price for all servants of God. Apostle Paul mentions, “In fact, everyone who wants to live a godly life in Christ Jesus will be persecuted” (2 Timothy 3:12) Thus, anyone who wishes to be worthy in God’s eyes will have to suffer painful experiences in life. Every believer should expect this. Jesus warns His disciples before about this, “I have told you these things, so that in me you may have peace. In this world you will have trouble. But take heart! I have overcome the world.” (John 16:33)
Apostle Paul attested to this statement of Christ for all faithful who wishes to follow Him. They will definitely experience painful things. In his letter in 2 Corinthians 7:5, he mentions, “For when we came into Macedonia, we had no rest, but we were harassed at every turn —conflicts on the outside, fears within.” Not only that they experienced persecutions outside the church of God, but as well as from those who were members of God’s church. Do not wonder if we experience this in our times.
To be able to withstand such painful experiences, we need to follow the instructions of the Bible. We should not let these sufferings affect our faith. Apostle Pete tells us, “Therefore, my brothers and sisters, make every effort to confirm your calling and election. For if you do these things, you will never stumble” (2 Peter 1:10) We need to show that amidst these sufferings, persecutions and many other trials that befall us, we are always hopeful in God at all times, that we are always strong when we feel weak. This was explained by Apostle Paul, “That is why, for Christ’s sake, I delight in weaknesses, in insults, in hardships, in persecutions, in difficulties. For when I am weak, then I am strong.” (2 Corinthians 12:10)
Even if we are suffering, we continue to show good intentions. Even if others treated us rudely and wrongly, we respond to the goodness of heart. Apostle Peter tells us of this, “keeping a clear conscience, so that those who speak maliciously against your good behavior in Christ may be ashamed of their slander.” (1 Peter 3:16) Christ’s examples should be imitated, that when He suffered from persecutions, He did not take revenge but showed mercy, compassion and forgiveness (1 Peter 2:21-23).
Let us not forget that we are servants of God. Do not allow hatred root in us. Let us allow God to take His revenge for us. Revenge is for God alone. Listen to what Apostle Paul tells us, “Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters, since you know that you will receive an inheritance from the Lord as a reward. It is the Lord Christ you are serving. Anyone who does wrong will be repaid for their wrongs, and there is no favoritism.” (Colossians 3:23-25)
Filipino Translations:
Ang mga salita ng Dios ay itinulad sa mga mabuting binhi na inihasik sa mabuting lupa, na sapagkat mabuti ang lupa, nagbunga ito ng mabuting gawa. Gaya nang pahayag, “ang sa mabuting lupa ay ang mga pusong timtiman at mabuti, na iniingatan ang salita pagkarinig, at nangagbubunga may pagtitiis.” (Lukas 8:15) Kung mayroon mang inaasahan ang Dios sa atin ay ang paggawa ng mabuti, sa ganito’y mahayag na tayo ang nahasikan ng Kaniyang mga salita.
Hindi inaasahan ng Dios na ang mga hindi kumilala at tumanggap sa Kaniyang mga salita ay kakikitaan Niya ng mga mabuting gawa. Ang tunay Niyang hinahanap ay ang mabuting bunga na magmumula sa kanilang nahasikan ng Kaniyang mga salita.
Gaya nang pahayag, taglay nila ang pusong timtiman, na ang ibig sabihin, sapagkat nagkaroon ng epekto sa kanila ang mga salita ng Dios, pawang mabubuting intensyon lamang ang sa kanila’y makikita. Bawat katuwiran na kanilang tinatanggap ay kanilang iniingatan at pinahahalagahan sa kanilang sarili. Nagbubunga ito ng pagtitiis sa kanilang buhay kaya’t anuman ang kanilang maranasan, nagpapatuloy sila sa paggawa ng mabuti na tunay na hinahanap ng Dios.
Kaya’t ipinayo ni Pablo, “Kaya nga, samantalang tayo’y may pagkakataon, ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa mga kasangbahay sa pananampalataya.” (Galacia 6:10) Ibig sabihin habang may pagkakataon tayo ay samantalahin natin ang paggawa ng mabuti sa lahat. Ito ang layunin ng Dios sa atin, ang lumakad tayo sa mabuti, ang gumanap ng Kaniyang kalooban. At ito ang dahilan kung bakit tayo tinawag ng Dios sa loob ng iglesia ng Dios (1 Corinto 1:1-2), ang magpakabanal. Ang paggawa ng mabuti ay kabanalan sa paningin ng Dios.
Sinabi na ng Biblia, “… at lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig.” (2 Timoteo 3:12) Samakatuwid, sinumang ibig gumawa ng kabanalan o mabuting bagay ay magdadaan sa maraming kapighatian. At ito ay dapat asahan ng lahat ng ibig maglingkod sa Dios. Ipinagpauna ng Panginoong Hesus noon pa sa Kaniyang mga alagad, “sa sanlibutang ito ay mayroon kayong kapighatian, kaya’t laksan ninyo ang inyong loob.” (Juan 16:33)
Ang patunay ni Pablo sa kanilang karanasan sa Macedonia ay nagpapahayag na sila man ay hindi nakatakas sa mga mapapait na karanasan, “nagsidating man kami sa Macedonia ang aming laman ay hindi nagkaroon ng katiwasayan, kundi sa lahat kami ay pinipighati; sa labas ay mga pagbabaka, sa loob ay mga katakutan.” (2 Corinto 7:5)
Hindi lamang pala sa labas ng iglesia nakaranas ang mga unang lingkod ng kapighatian, maging sa gitna ng mga kapatid ay naranasan nila ang mapighati. Kaya’t kung tayo man sa panahong ito halimbawa ay makaranas ng ganitong uri ng kapighatian, sa kabila ng ating pagtatapat sa Kaniya ay hindi tayo dapat magtaka.
Kaya naman, upang tayo ay makapagtiis, ipinayo ng Biblia na maging matatag tayo at huwag nating payagang tayo ay matinag ng mga kapighatiaang ito. Sinabi ng Biblia, “lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa pagkatawag at pagkahirang sa inyo: sapagka’t kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay hindi kayo mangatitisod kailan man.” (2 Pedro 1:10)
Ipakita natin na sa kabila ng mga kahirapan, paguusig at kapighatiang ito na ating napagdadaanan ay nananatili an gating matibay na pagasa sa Dios. Gaya nang pagkasabi ni Pablo, “Kaya nga ako’y nagagalak sa mga kahinaan, sa mga pagkaapi, sa mga pangangailangan, sa mga pagkakausig, sa mga paghihinagpis, dahil kay Cristo: sapagka’t pagka ako’y mahina, ako nga’y malakas.” (2 Corinto 12:10)
Manatili pa din tayong taglay ang mabuting intension sa kabila ng masasamang bagay na maaaring ginagawa sa atin. Kung masama man ang ipinakikita sa atin ay gantihin natin ito ng kabutihan upang sila na nagsisigawa ng kasamaan ay mangapahiya. Gaya nang sinabi ni Apostol Pedro, “Na taglay ang mabuting budhi; upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo.” (1 Pedro 3:16)
Ang halimbawa ng Panginoong Hesus ay maging uliran sa atin, na Siya bagama’t inupasala ay hindi kinakitaan ng pagganti, manapa ang narinig sa Kaniya ay ang aral ng pagpapatawad (1 Pedro 2:21-23). Ang mga ito ay halimbawa na iniwan sa atin upang ating tularan.
Tandaan natin na tayo ay mga lingkod ng Dios. Hayaan nating ang Dios ang gumanti para sa atin. Tungkol sa mga kapatid natin na maaaring gumagawa ng masama sa atin, hayaan nating ang Dios ang sumaway sa kanila. Sundin natin ang payo, “Anomang inyong ginagawa, ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao; Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang ganting mana; sapagka’t naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo. Sapagka’t ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng ayon sa masama na kaniyang ginawa; at walang itinatanging mga tao.” (Colosas 3:23-25)
